-- Advertisements --
Mula sa 6,871 kahapon, bahagyang bumaba sa 6,096 ngayong araw ng Linggo ang bagong dagdag na kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Sa tala ng Department of Health (DOH) nitong alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 1,397,992 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas.
Sa ilalim ng lingguhang “Oplan Recovery,” inulat ng DOH ang 6,912 na bagong recoveries kung saan nasa 1,321,050 na ang bilang ng mga gumaling mula sa COVID.
Nasa 24,372 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos madagdagan ngayong Linggo ng 128.