-- Advertisements --

Late Bombo Eddie Suede, nasa Journalists Memorial Newseum ng Washington DC
Unread post by news.butuan » Thu Jul 06, 2023 8:42 pm

BUTUAN CITY – Isang magandang alala na para sa pamilya Suede ang pagkilala ng The Fallen Journalist Memorial Foundation ng Washington DC sa Estados Unidos sa mga nagawa ni late Eduardo Suede o mas kilalang si Bombo Eddie Suede ng Bombo Radyo Iloilo sa broadcasting industry ng Pilipinas.

Ayon sa kanyang anak na si Denmark Suede, kasama sa mga nailagay na mga pangalan sa Journalists’ Memorial Newseum ang pitong iba pang mga journalist martyrs na ibinuhis ang buhay dahil sa dedikasyon sa kani-kanilang trabaho.

Ngayong araw kasabay sa paggunita ng ika-57 founding anniversary ng Bombo Radyo Philippines, bumalik sa ala-ala ng nakababatang Suede ang nai-ambag ng kanyang ama na kinikilalang isa sa mga haligi ng network na ngayon ay patuloy na pamamayagpag dahil makatototohang paghahatid nito mga balita, impormasyon at serbisyo publiko.