-- Advertisements --

Sinerpikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakabagong ng bersyon ng panukalang batas na inihain ni Sen. Bong Go na naglalayong lilikha ng Department of Overseas Filipinos (DOFil).

Magugunitang sa Talk to the People address kamakailan ni Pangulong Duterte, pinamamadali nito sa Kongreso ang pagpasa ng batas sa paglikha ng Overseas Filipinos Department dahil kasama ito sa kanyang panukala noong panahon ng kampanya.

OFWS

Sinabi ni Sen. Go, pinasasalamatan nito si Pangulong Duterte sa pakikinig sa hiling ng mga overseas Filipinos at ng kanilang mga pamilya na sertipikahang urgent ang nasabing panukalang batas para sa mas mabilis at epektibo ang pagtugon ng gobyerno sa pangangailangan ng mga kababayang nasa abroad.

Ayon kay Sen. Go, kanyang hinihimok ang mga kasamahan sa Senado na pakinggan ang panawagan ni Pangulong Duterte at agad ipasa ang panukalang batas.

Inihayag ng senador na bagama’t maraming concerns ang dapat asikasuhin ngayon, hindi naman dapat maisantabi ang mahalagang batas.

“Nagpapasalamat po tayo sa Pangulo for heeding the call of various stakeholders, particularly Filipinos abroad, who are appealing for a more efficient and responsive mechanism for government to respond to their needs so that we can provide them the best service that they deserve,” ani Sen. Go.