-- Advertisements --

NAGA CITY – Matagumpay na naidaos ang launching ng Universal Health Care Law sa lungsod ng Naga.

Pinangunahan ito ng mismong alkalde ng lungsod na si Mayor Nelson Legacion at ang Assistant Secretary ng Department of Helath (DOH) na si Asec. Nestor Santiago.

Ayon kay Santiago, pangunahing layunin ng naturang batas na bigyan ng access ang lahat na Pilipino sa population base services at individual services.

Kasama rin umano rito ang financial coverage kung saan malalaman kung sino ang dapt binibigyan ng pondo ng DOH at Philhealth.

Dagdag pa nito, sa ngayon, marami ang responsabilidad ng Philhealth sa nasabing batas dahil sakop nito ang lahat ng Pinoy na dapat magkaroon ng health insurance.