CAUAYAN CITY- Nasunog ang laundry shop sa loob ng isang commercial building sa barangay Alibagu,Ilagan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ang nasunog na bahay kalakal ay pagmamay-ari ng negosyanteng si Ginang Sally Nicanor, 45 anyos, at residente ng Luna, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa BFP Ilagan City, una silang nakatanggap ng tawag na may nagaganap na sunog sa naturang lugar na agad naman nilang tinugunan kasama ang mga kasapi ng CIty of Ilagan Police Station at ilang fire volunteer.
Ayon kay City Fire Marshall Angel Diquiatco sa nagyon ay wala pang malinaw kung anong sanhi ng sunog.
Ngunit batay sa kanilang nakalap na impormasyon hinihinalang nagsimula ang apoy sa isang nag-malfunction na makina o nag-short circuit na laundry machine.
Tumagal ng 30 minuto bago tuluyang naapula ng mga bumbero ang apoy.
wala namang napaulat na nasugatan o nasaktan at wala ding ibang establisimiennto ang nadamay sa naganap na sunog.
Tinatayang nasa tatlong Laundry machine tinupok ng apoy habang nadamay naman sa nasunog ang pader ng laundry shop .
Muling nagpaalala ang City Fire Marshall sa mga Ilaguenio na upang makaiwas sa sunog ay iwasan ang mga bagay na maaring pagmulan ng sunog at tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang mga kagamitan bago gamitin.