-- Advertisements --
LAOAG CITY – Nabuksan na ang Lava Tube ng Volcano National Park sa Big Island Hawaii para sa mga turista.
Sa report ni Bombo International Correspondent Manny Pascua, iniulat nito na naayos na ng mga otoridad ang mga nasirang bahagi ng Lava Tube na malapit sa crater ng Kiluea Volcano.
Aniya, kahit nagbukas na ang nasabing parke ay may mga ilan pang parte na ipinagbabawal na puntahan ng mga tao.
Ang Lava Tube ay isa sa tatlong tourist attraction sa isa sa mga pinaka-aktibong buklan sa buong mundo.
Kung maalala ay nasira ang nasabing parke matapos ang pag-alburuto ng Kiluea Volcano halos dalawang taon na ang nakalipas.