-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang computer hackers na kumuha ng mga impormasyon ng isang law firm ng mga sikat na singer at Hollywood stars.

Ayon sa Grubman Shire Meiselas & Sacks, hindi na nila mapasok ang kanilang website at sinasabing ninakaw ng hackers ang 756 gigabytes na data na kinabiiblangan ng contacts at personal emails.

Humihingi ang mga hackers ng pera matapos na ipakita ang kontrata ng singer na si Madonna.

Inabisuhan na ng New York based law firms ang kanilang mga kliyente at humingi na sila ng tulong sa mga cyber-security experts.

Ilan sa mga sikat na empleyado ng law firms ay sina Rod Stewart, Lil Nas X, Robert De Niro, Elton John, Barbara Streisand, Barry Manilow, Rod Stewart, Lady Gaga, Lil Nas X, U2 at maraming iba pa.