-- Advertisements --

Nakiisa ang mga law professors sa panawagan sa Korte Suprema na gumawa ng dagdag na aksiyon laban sa red-tagging ng Manila Regional Trial Court Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar.

Ito ay sa pamamagitan ng inisyung joint statement ng nasa mahigit 100 faculty members ng University Colege of Law na nagkokondena sa ginawang pagbabanta ng dating anti-insurgency tak force spokesperson Lorraine Badoy laban kay Malgar at sa kaniyang aaswa na si UP Cebu channcellor Leo Malagar.

Inihayag ng mga ito na isang paglabag sa basic principles sa gampanin ng mga abogado ang red-tagging at ang pagbabanta para patayiin ang isang indibidwal ay isang uri ng felony na may karampatang parusa sa ilalim ng criminal law.

Una rito, matapos ang ginawang deliberasyon sa naging post sa social media ni Badoy, nag-isyu ng mahigpit na warning ang SC laban sa mga patuloy na nag-uudyok ng karahasan sa pamamagitan ng socila media at iba pang pamamaraan na maaaring makapahamk sa buhay ng hukom at ng kanilang pamilya.

Maalala, inakusahan ni Badoy si Judge Malagar na abugado umano ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army and National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) matapos ibasura ang petsiyon ng gobyerno para ideklarang teroristang grupo ang naturang organisasyon.

Subalit itinanggi nito na pinagbantaan ng dating tagapagsalita ng NTF-ELCAC si Judge Malagar.