-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Labis ang pasasalamat ng isang Law Working student mula sa South Cotabato matapos na mapasama ang pangalan nito sa mga pumasa sa 2018 Bar Exams.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Atty Mae Fretzel Deadio, 33-anyos at tubong Tboli, South Cotabato isang pangarap ang kanyang natupad hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati narin sa kanyang retired school principal na lola na childhood dream umano na maging isa itong abogado.

Ayon kay Deadio, hindi naging madali ang kanyang napagda-anan dahil ipinagsabay nito ang pag-aaral sa Law School sa Central Philippine University- College of Law sa Iloilo City at ang pagiging working student.

Maliban aniya sa karangalang nakuha sa pagkakapasa sa Bar Exams, gusto din nitong maging inspirasyon sa mga kabataan sa kanilang lugar na mag-aral ng mabuti dahil walang imposible sa taong may pangarap.

Binigyang-diin din nito na ang pagsuporta ng pamilya at pananalig sa Dyos ang kanyang naging susi sa pagkamit ng kanyang pangarap.

Ini-aalay nya ang kanyang naging tagumpay sa lahat ng nagdasal at tumulong sa pag-abot sa kanyang pangarap bilang isang abogado.

Sa ngayon, plano nitong pagtuunan ng pansin ang may kaugnayan sa Environmental Laws.