Inaalam na rin ngayon ng Southern Police District (SPD) ang lawak ng koneksiyon ng Maru Kidnap for ransom group (KFRG) na siyang nakasagupa ng mga kasapi ng SWAT nitong Martes ng umaga.
Ang nasabing KFRG ay binubuo ng mga aktibong miyembro ng PNP na mga tinaguriang rogue cops.
Ayon kay SPD director C/Supt. Tomas Apolinario, patuloy pa ang malalimang imbestigasyon kaugnay sa insidente.
Sa ngayon kasi ang hawak nilang impormasyon na ang MARU Kidnap for ransom group ay kumikilos sa area ng Taguig City.
Samantala, nakatakdang isailalim sa drug test ang mga sinibak na personnel ng PCP station 1 sa Western Bicutan, Taguig.
Ito’y kasunod sa nangyaring enkwentro na kinasasangkutan ng mga kapwa pulis.
Nasa 39 police personnel, kabilang ang police community precinct (PCP) commander, ang ni-relieve sa puwesto ni NCR Police Office chief C/Supt. Guillermo Eleazar.
Ang pagsibak sa mga ito ay dahil ang mga sangkot na pulis ay naka destino sa PCP-1.
Sa ngayon ay nasa Regional Holding Unit ng NCRPO ang mga sinibak na pulis at under investigation.