KORONADAL CITY – Ipinasisiguro ng 6ID Phil.Army na hindi makakalusot ang lahat na mga private armies ng ilang mga kakandidato sa darating na halalan na maghahain ng kani kanilang Certificate of Candidacy.
Ito ang ipinasiguro ng ni Lt.Col John Paul Baldomar, 6ID Phil. Army spokesperson sa ekslusibong panayam ng Bombo RAdyo Koronadal.
Ayon sa opisyal, mas hihigpitan pa nga kanilang mga tauhan kasama na ang PNP kasunod na rin ng pagpapatupad ng election gun ban.
Dagdag pa ng opisyal, sa ganitong paraan maiiwasan ang pag laganap ng ilang mga lawless elements at ilang lawless groups kagaya nalang nga Daulah Islamiyah at BIFF sa mga lugar na kung saan maghahain ng mga COCs ang mga aspirants.
Bukod pa sa mahigpit na Gun ban para sa mga di uniformed personnels, magpapatuloy rin ang operasyon ang militar laban sa mga terroristang grupo na pwedeng manabotahe ng filing ng COCS.
Kung matatandaan, mahigpit na ini-iwasan ng mga otoridad ang nangyaring marahas at madugong Maguindanao Massacre na nangyari sa Sitio Masalay ,Brgy.Salman, Ampatuan Maguindanao taong 2009 sa panahon din ng paghahain ng COCs