-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nakaabang ang buong kapulungan ng Kamara kung sino sa mga mambabatas nito ang ieendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang House Speaker ng 18th Congress.
Ito ang kinumpirma ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa panayam ng Bombo Radyo kung saan inamin nito na karamihan sa kanyang mga kapwa kongresista ang handang sumuporta sa kung sinong ieendorso ng pangulo.
Tila hindi pa raw kasi tiyak si Duterte kung susuportahan nito ang kandidato ng kanyang partidong PDP-Laban na si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.
Kamakailan nang ihayag ni presidential son Davao Rep. Paolo Duterte ang pagtakbo rin sa pwesto ng House Speaker.
Pero hindi kalaunan ay binawi rin nito ang plano at nagpaabot ng suporta kay kapwa Davao Rep. Isidro Ungab.