Naniniwala si Atty. Faustino Olowan, Bise alkalde ng Baguio City na Malaki ang epekto ng terminasyon ng Visiting Forces Agreement sa mga ordinaryong Pilipino.
Sa eksklusibong panayam ng Star FM Baguio sa vice mayor ng lungsod, sinabi nitong mapuputol ang tulong pinansiyal ng Amerika sa Pilipinas na nasa ilalim noon ng VFA.
“The Philippines will be at a lost considering the fact that there are financial assistance being of course given by the Americans in lieu of that activity”
Dagdag pa nito, maaapektuhan rin ang magandang samahan ng dalawang bansa dahil mawawala ang presensiya ng American Forces sa pag guwardiya sa ilang teritoryo ng bansa.
“and if we read the newspaper there is always a threat on the South China Sea in the country because we are in need of the American Forces”
Taong 1999 nang ratipikahan ng Senado ang VFA sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas na simbolo ng pagkakaibigan ng dalawang bansa