CEBU CITY – Huli ng National Bureau of Investigation (NBI-7) ang isang lawyer-broadcaster matapos maisilbi ang warrant of arrest sa kasong rape na isinampa laban sa kanya.
Sa inisyal na impormasyon, naaresto si Atty. Juril Patiño sa may bahagi ng Pier 4 sa lungsod ng Cebu pasado alas-2:00 nitong nakalipas na Lunes ng hapon.
Una nang inireklamo si Patiño at sinampahan ng kaso matapos umano nitong gahasain ang 13-anyos na dalagita sa loob ng kanyang kotse noong 2017.
Iniakyat ang kaso sa Regional Trial Court Branch 20 hanggang sa maisyuhan ng warrant of arrest ngayong taon.
Nauna na ring pinabulaanan ng broadcaster ang nasabing alegasyon kung saan ginawa niya ito sa kanyang programa sa Brigada News FM Cebu.
Aniya, kumpiyansa raw siya na lalabas din ang katotohanan.