-- Advertisements --

ROXAS CITY – Ikinatuwa ng grupong Lawyers for Leni-Capiz ang pagpabor ng Supreme Court sa petisyon ng St. Anthony College Hospital Inc. laban sa Oplan Baklas ng Commission on Elections (Comelec) ng 2022 National Election.

Matandaan na isinumite ng 11 abogado sa Capiz ang petisyon kung saan kinuwestyon ng mga ito ang implementasyon ng Comelec sa pagtanggal ng posters, tarpaulins at ibang campaign materials ng kanilang sinusuportahang kandidato sa private properties ng walang pahintulot.

Ipinaliwanag sa Bombo Radyo ni Atty. Remia Fuentes-Bartolome, former IBP President-Capiz chapter at isa sa mga abogado na nagfile ng petisyon ang desisyon ng korte kung saan idineklara ng korte suprema na unconstitutional ang pagtanggal ng campaign materials sa pribadong lugar.

Ayon pa kay Bartolome, nakasaad sa Republic Act 9006 o Fair Election Act, pinahihintulutan ang Comelec na i-regulate ang election propaganda na pagmamay-ari ng isang kandidato o political party.

Hindi saklaw ng nasabing batas ang pagregulate sa freedom of speech, expression at karapatan ng isang pribadong indibidwal na suportahan ang napupusuang kandidato lalo na pag ito ay private property.

Malaking tulong aniya ang pinalabas na resolusyon ng korte dahil ito ang magsisilbing guide sa Comelec sa pagtanggal ng campaign materials sa mga susunod na eleksyon.