-- Advertisements --
Tiniyak ng online shopping company na Lazada na sila ay mahigpit na makikipag-ugnayan sa gagawing imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kasunod ito sa pag-amin ng mga naaresto ng PDEA na sa online company nila nabili ang mga tooters na ginagamit nila sa iligal na droga.
Ayon sa kumpanya na bukas sila sa nasabing anumang imbestigasyon at inabisuhan na sila ng PDEA.
Tiniyak naman ng PDEA na kanilang pananagutin ang online company sakaling lumabas sa imbestigasyon na sangkot sila sa nasabing pagbebenta ng mga drug paraphernalia.