-- Advertisements --
CEBU – Tinawag ni Cebu City Mayor Michael Rama na peke at sinungaling ang mga miyembro ng press base sa mga ulat na natanggap ng kanyang opisina na ginagamit ang pondo ng City government para makapunta sa bansang Singapore.
Sabi nga, wala kahit isang sentimo ang nadala sa kaban ng gobyerno.
Nag-ugat ang isyu sa pagbisita niya sa Singapore kasama ang kanyang pamilya.
Ipinaliwanag ng alkalde na ang kanyang pagbiyahe sa nabanggit na bansa ay para gumawa ng ‘benchmarking’ para sa layunin nitong maabot ang Singapore-like Cebu City.
Sa katunayan, sinabi ni Rama na nagtataka ang kanyang asawa kung bakit siya nagtatrabaho sa halip na maglibot sa bansa.
Sinabi ng opisyal na lagi raw nauuna ang kuwento kung saan lagi siyang binabanatan at kinukutya.