-- Advertisements --

Hinihintay pa ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) party ang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang i-endorso nito sa pagkapangulo para sa 2022 electioins.

Sinabi ni Senator Sonny Angara, ang pangulo ng partido, na maaaring namimili pa ang pangulo kung sino ang maaring manalo na susunod sa kaniyang yapak.

Dagdag pa ng mambabatas na kaalyado pa rin nila ang administrasyon at hinihintay pa rin nila ang anunsiyo ng pangulo.

Aminado ang senador na hindi gaanong malaki ang kanilang partido hindi tulad noong pinamumunuan ng kaniyang ama na si dating Senate President Edgardo Angara.