-- Advertisements --
Lea SEA Games
Lea Salonga

Hindi na makakadalo para magtanghal sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games sa darating na Nobyembre 30 ang award-winning broadway star Lea Salonga.

Ayon sa singer na nagkaroon ng pagkakasabay ng isa sa kaniyang show ang nasabing opening ceremony ng SEA Games.

Sa kaniyang Twitter account sinabi nito na patungong Singapore na ito para sa 14-show Sweeney run na magsisimula sa araw ng Huwebes.

Kasama kasi siya sa musical Sweeney Todd Manila kung saan kabilang din dito ang singer na si Jett Pangan.

Magugunitang isa ang Filipina singer na gumawa ng official theme song ng SEA Games na “We win as One” na gawa ni Ryan Cayabyab.