-- Advertisements --

Labis na ikinararangal ng Tony Award-winning actress na si Lea Salonga ang pagkakasama nito sa children’s book na “A Is For Audra: Broadway’s Leading Ladies from A to Z.”

Ang nasabing picture book, na likha ni John Robert Allman at ginawan ng art work/illustration ni Peter Emmerich, ay nagbibigay-pugay sa mga sikat na Broadway theater actresses.

Sa kanyang Twitter account, todo pasalamat si Lea sa pagkakasama niya sa naturang children’s book kunsaan featured ang six-time Tony Award winner na si Audra McDonald, Liza Minnelli, Kristin Chenoweth, Bernadette Peters, Angela Lansbury, Chita Rivera, Carol Channing, Patti LuPone, at iba pa.

Matatandaang nakilala si Lea sa natatangi nitong pagganap bilang si Kim sa musical na Ms. Saigon na nagbukas sa West End ng London noong 1989 at sa Broadway noong 1991.

Lumabas din ang Pinay singer sa Les Miserables sa Broadway kung saan gumanap ito bilang si Eponine.