-- Advertisements --

Nabigay ng suhestiyon si Lea Salonga kung sino ang dapat na susunod na gaganap na “Darna”.

Kasunod ito sa tuluyang pag-atras ni Liz Soberano na gaganap sana bilang Pinay superhero.

Sinabi ni Broadway star, na dapat ang piliin ay may morenang kutis o kayumanggi na siyang nagpapatunay na kulay ng isang Filipina.

Sa nasabing kulay aniya ay maipapakita ang tunay na lakas ng isang Filipina.

Magugunitang umatras si Liza matapos na hindi pa gumagaling ang kaniyang injury sa daliri na kaniyang natamo noong ginagawa ang pinagbibidahang teleserye.