-- Advertisements --

Natatawa na lamang si Lea Salonga sa tuwing maaalala ang nangyaring “blooper” sa maling pagpapakilala sa kanya sa isang news program sa United Kingdom (UK), halos isang buwan na ang nakalilipas.

Sa kanyang press conference, inihayag ng Pinay Broadway superstar na hindi naman siya nainsulto sa UK news anchor na si Stephen Dixon matapos siyang ipakilala nito bilang si Anna Hughes na isang environmental campaigner.

“My thinking is, well, if it’s going viral, then hopefully that means people would be interested in my tour, so it was a blessing,” ani Salonga.

Pero payo ng 48-year-old Tony Award-winning actress, dapat ay kilala ng mga hosts ang kanilang mga guest upang hindi na maulit pa ang ganoong insidente.

“You can’t take offense at things like that. There are things to be offended by. That’s not one of them. And it could happen to anybody, so it’s okay, it’s fine,” natatawang saad ng original Miss Saigon star.

“Make sure you know who your guests are!”

Una rito, nag guest si Lea sa Sky News morning show upang i-promote ang kaniyang concert tour.

Makikita sa mukha ng singer ang pagkagulat sa nangyari ngunit kalmado niyang itinama ang pagkakamali ng news anchor.

Depensa naman ni Dixon na nagtataka raw siya habang binabasa ang script sa teleprompter dahil batid nito naman nito mang-aawit ang kanilang bisita.

Matapos nito ay nag-cue ng break para sa programa ang news anchor.

Ang Pinay singer/actress ay kilala sa buong mundo dahil sa kaniyang husay sa pag-awit sa larangan ng teatro. Minsan na rin itong kinuha upang maging boses ng dalawang Disney princesses na sina Princess Jasmine at Mulan.