-- Advertisements --

Nakakuha ng suporta mula sa kaniyang mga kapwa artista ang ginawang pagtanggi ni Lea Salonga sa fans na nais magpakuha ng larawan sa labas ng kaniyang dressing room.

Matapos kasi ang viral video ay sinabi ng singer na mayroong siyang boundaries na dapat ay igalang din.

Bilang artista aniya ay dapat intindihin din ng mga fans na mayroon silang boundaries kung saan maari silang makipagsalamuha o makalapit.

Magugunitang kumalat ang video ng isang fans ang sinungitan ng singer ng nakapasok ito sa dressing room at nais na makipagkuha ng larawan.