-- Advertisements --
sea games mv 2

Nagpahayag ng mensahe ang sikat na world-class Filipino theatre actress na si Lea Salonga sa mga Pilipinong atleta na nakatakdang lumahok sa nalalapit na 30th South East Asian Games. 

Para sa mang-aawit, hindi lang daw dapat tagumpay para sa sarili ang isipin ng mga manlalaro kundi pati na rin ang tagumpay ng bansang Pilipinas. 

Aniya, “sportmanship” umano ang pinaka mahalagang susi ng isang kalahok upang matanggap ang magiging kalalabasan ng kompetisyon. 

Hanga rin si Lea sa tatag at dedikasyon na ipinapakita ng mga Filipino athletes na puspusan ang pag-eensayo para sa naturang 12-day sport meet.