-- Advertisements --
Binalewala ni dating Department of Health adviser Dr. Tony Leachon ang isinampang cyber-libel ng Bell-Kenz Pharmaceutical.
Sinabi nito na nais lamang pagtakpan ng kumpanya ang mga nagaganap na anomalya at tila isang pananaikot sa mga kritiko.
Dagdag pa nito na isang desperadong hakbang ang ginawa na ito ng Bell-Kenz at pagmamanipula sa opinyon ng publiko.
Nanindigan pa ito na hindi siya patitinag sa nasabing mga inilabas niyang mga batikos.
Magugunitang nitoing Martes ay nagsampa ng kasong cyberlibel ang Bell-Kenz Pharmaceutical laban kay Leachon.
Ang nasabing alegasyon ni Leachon ay nakarating na sa Senado kung saan inakusahan nito ang kumpanya na nagbibigay ito ng mga insentibo sa mga doctors para isulong ang kanilang produkto.