Umapela ang lead counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tagasuporta ng dating Pangulo na respetuhin ang judicial process at huwag mangialam sa kasarinlan ng Korte.
Sa isang panayam sa The Hague, Netherlands, sinabi ni British-Israeli lawyer Nicholas Kaufman na nais ng pamilyaa Duterte na kaniyang ipaabot sa kanilang supporter na dapat nilang igalang ang judicial process gayundin ang pagbibigay ng buong respeto sa prosekusyon, defense, counsels at sa mga biktima.
Ginawa ni Kaufman ang panawagan sa gitna ng isinasagawang malawakang kilos protesta, rally at demonstrasyon ng Duterte supporters sa iba’t ibang panig ng mundo bilang pagpapakita ng suporta sa dating pangulo at pagtutol sa pag-aresto at pagkulong sa kaniya sa Scheveningen Prison sa The Hague, Netherlands.
Nakakatanggap din ng harassmen sa social media ang ICC judges at pinapadalhan pa ng mensahe ang American author na si Nicholas Kaufman matapos mapagkamalan bilang lead counsel ni dating Pangulong Duterte.