CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang Lead Man ng DOLE-Stanfilco sa pamamaril sa Kidapawan City.
Nakilala ang biktima na si Armando Ginota,50 anyos,may asawa,Lead man o supervisor ng DOLE Stanfilco at residente ng Sandawa Homes Phase 2 Barangay Poblacion Kidapawan City.
Ayon kay Kidapawan City Chief of Police Lieutenant Colonel Lauro Espida na habang sakay ang biktima sa kanyang minamanehong motorsiklo patungo na sana sa kanyang trabaho ngunit pagsapit nya sa Barangay Lower Manongol Kidapawan City ay bigla itong dinikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek ng masiguro na tinamaan ang biktima.
Ang biktima ay naisugod pa ng mga nagrespondeng pulis at Rescue 911 sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kidapawan City PNP sa pamamaril patay sa biktima.