Naaresto na ng Bolivian police ang pasimuno ng tangkang kudeta ilang oras matapos paligiran ng mga sundalo ang presidential palace sa La Paz, Bolivia.
Kinilala ng mga otoridad ang leader ng rebel military na si Gen Juan José Zúñiga na naghahangad na muling maisaayos ang demokrasya sa kanilang bansa.
Nilinaw rin ng ang rebeldeng militar na nirerespeto niya ang kanilang presidente ay gusto lamang nitong mabago ang takbo ng gobyerno nila doon.
Samantala, kinundina naman ni Bolivian President Luis Arce ang kudeta attempt na ito ni Gen. Zúñiga.
Aniya, hindi siya papayag na ang kunin ng pagtatangkang ito ang buhay ng kanilang mga mamamayan.
Kaugnay nito ay kaagad namang nagtalaga ng bagong military commanders si Pres. Arce kapalit ng mga nagrebeldeng kabaro nito.
Nagbukas rin ng criminal investigation ang public prosecutor’s office ng kanilang bansa hinggil sa naturang usapin.