-- Advertisements --

Kinumpirma ngayong araw ng Palestinian militant group na Hamas ang pagkamatay ng kanilang lider na si Ismail Haniyeh matapos ang isang ‘Zionist strike’ sa Tehran, Iran.

Ayon sa grupo, nasawi ito habang nasa kanyang headquarters sa naturang lugar.

Napag-alaman na dumalo pa ito sa inagurasyon ng bagong halal na Iranian president at nakipagpulong sa Supreme Leader ng Iran na si Seyyed Ali Hosseini Khamenei .

Kabilang sa mga namatay ang isa sa kanyang bodyguards ayon sa Iran’s Islamic Revolutionary Guard Corps.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Iran sa pagkamatay ng nasabing hamas leader.