Nangako ang supreme leader ng Iran na si Ayatollah Seyyed Ali Khamenei na kanilang ipaghihiganti ang pagkamatay ng chief nuclear scientist sa kanilang bansa.
Una rito, binawian ng buhay ang mukha ng kontrobersyal na nuclear program ng Iran na si Mohsen Fakhrizadeh makaraang tambangan sa bahagi ng Tehran.
Ayon kay Khamenei, kanila ring itutuloy ang iniwang trabaho ni Fakhrizadeh.
“There are two matters that people in charge should put in their to do list: 1- To follow up the atrocity and retaliate against those who were responsible for it. 2- To follow up Martyr Fakhrizadeh’s scientific and technical activities in all fields in which he was active,” saad ni Khamenei sa isang Twitter post.
“Our distinguished nuclear scientist in the defense of our country, Mr Mohsen Fakhrizadeh was killed by the oppressive enemies. This rare scientific mind lost his life for his everlasting great scientific work. He lost his life for God and the supreme leader. God shall reward him greatly.”
Sa isa namang Cabinet meeting nitong Sabado, sinabi ni Iranian President Hassan Rouhani na tutugon ang Iran “sa tamang panahon.”
“Once again, the evil hands of Global Arrogance and the Zionist mercenaries were stained with the blood of an Iranian son,” wika ni Rouhani, na tumutukoy sa Israel.
Naniniwala rin sina Rouhani at iba pang senior officials na Israel ang nasa likod ng pagpatay, at nangako rin ang mga ito na gaganti.
Sa ngayon, wala pang tugon ang Israel hinggil sa isyu.
Maging ang White House, Pentagon, US State Department, CIA, at ang transition team ni US presumptive president Joe Biden ay tikom pa ang bibig tungkol dito. (CNN/ Reuters)