Ipinag-utos ni North Korean leader Kim Jong Un na pabilisin pa ang paghahanda para sa giyera, kung sakaling kumilos ang United States of America laban sa naturang bansa.
Inihain ni Kim ang kautusan sa People’s Army, mga industriya ng pagawaan ng armas at nuclear weapons, at iba pang civil defense sectors ng North Korea, kasunod ng ilang ininuturing na komprontasyon ng U.S.
Nakikipagtulungan din ang nasabing bansa sa Russia, laban sa akusa ng Washington na di umano’y pagsusuplay ng Pyongyang sa Moscow ng armas laban sa Ukraine, kapalit ng pagbibigay ng Russia ng suportang militar sa North Korea.
Kung babalikan ngayong taon, ilang beses nang nagpalipad para sa missile tests ang North Korea.
Nagsagawa naman ang Estados Uñidos ng drills sa Seoul at Tokyo, kung saan nagpalipad ang Washington ng long-range bombers. Nagpadala rin sila ng nuclear-powered submarine sa Busan, South Korea bilang parte ng drills.
Photo courtesy from NKNA.