Patay sa isinagawang operasyon ng militar ang hinihinalang mga lider ng New People’s Army sa Iloilo.
Kinilala ng 61st Infantry Battalion ang mga napatay na rebeldeng NPA na sina Nahum Camariosa at alyas Junjun at Cedrick.
Si Camariosa, alyas Rodel at Bebong, ay isang mataas na pinuno ng NPA Southern Front Committee sa Panay Island.
Isang pang NPA ang unang nasawi sa engkwentro sa 61st IB sa Barangay Cawilihan bandang alas-7:30 ng umaga noong Huwebes.
Pinaniniwalaang sangkot siya sa ilang engkwentro sa southern Iloilo province .
Ang kanyang namang anak na si Rena Rhea ay namatay sa isang sagupaan noong Pebrero 2024 sa San Joaquin at tatlong kasamahan ang namatay sa bayan ng Miag-ao.
Si Junjun ay miyembro ng Regional Sentro de Gravidad (RSDG).
Bukod sa dalawang bangkay ng dalawang rebeldeng NPA, narekober din ng tropa ang tatlong M16 rifle, isang M14 rifle, isang AK-47 rifle, at isang anti-personnel mine.
Pinuri ng 3rd Infantry Division ang mga tropa sa kanilang tagumpay at ang mga residente sa pagpapaalam sa militar.