Kinondina ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang ginawang pagmumura at pagbabanta ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa inilabas na pahayag ng LCP sa pamumuno nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at national chairman Bacolod Mayor Alfredo Abelardo Benitez, na hindi lamang isang banta ito sa kaligtasan ng lider at apektado ang katahimikan at seguridad ng bansa.
Tinawag nila na isang unbecoming ng kanyiang opisina at reckless ang ginawa ng bise presidente.
Isang irresponsable umano ang naging pahayag ni Duterte na kaniyang sasaktan at ang madugong pagganti sa pangulo, first lady at kay Speaker Martin Romualdez.
Hinikayat na lamang ng LCP ang bawat partido na panatalihin ang mataas na standard ng professionalism, integrity at respeto sa mga opisyal ng gobyerno na siyang nagrerepresenta ng Filipino.