VIGAN CITY – Magpapasa ng resolosyon ang League of Cities of the Phillipines sa national government upang payagan ang face-to-face learning sa mga lugar na sakop na ng modifiied general community quarantine (MGCQ) o mga low risk area.
Sa panayam ng Bombo Radyo vigan kay Vigan City Mayor Juan Carlo Medina, hindi lahat ng siyudad sa bansa ay mayroong malaking pondo upang suportahan ang modular learning ng mga estudyante kaya napag-usapan sa kanilang pagpupulong ang pagpasa nila ng resolosyon.
Aniya, aabot sa P76 million ang gagastusin sa pagbili palamang ng coupon bond paper para sa module ng mga estudyante hindi pa kasama dito ang gagastusing P50 million para sa mga worksheet ng bawat mag-aaral.
Sa ngayon isinasapinal pa ng grupo na binubuo ng 145 city mayor sa bansa kung papaburan ito ng karamihan sa kanila.