-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinasisiguro ni League of Mayors of the Philippines (LMP) officer at Surallah Mayor Antonio Bendita na tutulong ito sa legal na aspeto na kakailanganin ng 2 alkalde sa lalawigan ng South Cotabato na pinadalhan ng show-cause order ng Department of Interior and Local Government Central office dahil sa kontrobersyal na pagpapaturok ng mga ito ng bakuna kontra Covid-19 at tila sumingit sa prioritization list ng gobyerno.

Ayon kay Mayor Bendita, Hindi pwedeng gawing dahilan ng sinumang alkalde na ma-uuna ang mga ito sa pagpapabakuna sa kadahilanang hikayatin ang publiko sa pag gamit sa mga bakuna na galing sa gobyerno dahil malinaw umano ang kautusan nga Department of Health na susundin ang pagkakasunod-sunod ng sector ayun sa priority list bago pa man dumating ang mga Covid-19 vaccine sa bansa.

Ngunit anu paman ang maging desisyon ng Pangulong Duterte sa isyu ng singitan sa bakuna kontra Covid-19 , asahan umano nga dalawang alkade na kasama nito sa lalawigan ng South Cotabato, na nasa likod lang ito para magbigay ng legal na advise para sa pag sagot ng 2 alkalde sa pinadalang show cause order ng DILG.