Iminungkahi ng League of Provinces of the Philippines (LPP) na magsagawa na ng face-to-face classes sa mga kolehiyo at pamantasan sa buong bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay LPP president at Marinduque governor Presbitero Velasco Jr., delikado raw kung ibalik na ngayon ang face-to-face classes lalo pa’t mahirap umanong kontrolin ang mga kabataan.
Una nang ipinanukala ng National Economic Development Authority na ibalik na ang pilot-testing ng face-to-face classes, na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Gayunman, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na posibleng sa Agosto na payagan ang in-person schooling sa mga lugar na mababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Sa kasalukuyan, tanging ang mga estudyante ng medicine at allied health sciences, maging ang mga unibersidad sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ) ang pinapayagan ng Commission on Higher Education (CHED) na magsagawa ng face-to-face classes.
Nilinaw naman ni CHED chairperson Prospero de Vera III na hindi sapilitan ang partisipasyon ng mga estudyante sa ganitong uri ng set-up.