VIGAN CITY – Nais ng mga miyembro ng League of Provinces of the Philippines na dumaan sa 14-day quarantine ang lahat ng mga Overseas Filipino workers (OFWs) na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya kahit na matapos nila ang kanilang 14-day quarantine sa Metro Manila.
Ito ay sa gitna pa rin ng paglaganap ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) at kahit na marami na sa mga lugar sa Pilipinas, lalo na sa Luzon, ang naisailalim na sa general community quarantine (GCQ).
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Governor Ryan Singson na naaalarma umano sila sa nasabing liga dahil sa mga balitang halos lahat ng mga panibagong kaso ng nasabing sakit ay mga OFW na umuwi sa kanilang probinsiya.
Dahil dito, nakikiusap ang gobernador sa mga OFWs na gustong umuwi sa Ilocos Sur at sa iba pang lalawigan sa bansa na makipag-ugnayan sa provincial government upang maiwasan ang paglaganap ng COVID- 19 at maiwasan ang tinatawag na second wave nito.