-- Advertisements --

Sinuportahan ni Broadway diva Lea Salonga ang kahalagahan ng pagkakaroon ng boundaries ng mga celebrities.

May kaugnayan ito sa naging reklamo ni BINI member Aiah Arceta na hinikayat ang mga fans at publiko na irespeto ang kanilang personal at private space.

Sa social media account ng Lea ay sinabi niyang mahalaga ang pagkakaroon ng boundaries.

Maging si Leah ay nagreklamo rin ng pasukin siya ng mga fans sa dressing room habang ito ay nasa Broadway Theater sa New York.