-- Advertisements --

Natakpan na Philippine Coast Guard (PCG) ang leak sa mga valves ng lumubog na MT Terranova sa karagatan ng Limay, Bataan.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, na dahil ito ay makokontrol ang pagtagas ng nasa 1.4 milyon litro ng mga industrial fuel oil.

Dagdag pa nito na itutuloy nila ngayong araw ang pagsipsip o siphoning operations para matanggal ang mga langis sa nasabing barko.

Sa kasalukuyan aniya ay nasa 1 liter per hour na lamang ang oil leak na maituturing na minimal oil ito.

Sinabi naman ni Bataan Gov. Jose Enrique Garcia III. na nagpatupad na sila ng fishing ban sa lugar para maiwasan ang pagkontamina sa mga residente na makakakain ng isda doon.