-- Advertisements --

Ang 2024 ay isang Leap Year, kung saan mula sa 335 na araw, magiging 336 na araw ang katumbas ng isang taon.

Idinadagdag ang adisyonal na araw sa Pebrero, kaya naman para sa may mga kaarawan ng February 29, maaari na nilang dausin ang kanilang kaarawan sa eksaktong araw kung kailan sila isinilang.

Ginaganap ang Leap Year kada apat na taon, dahil ang isang rebolusyon ng mundo sa araw ay may sumatutal na 335 1/4 days.

Ang pagtatalaga ng Leap Year sa kalendaryo ay upang magkaroon ng tamang prediksyon sa klima ng mga bansa base sa mga buwan sa kalendaryo, at maiwasan ang tinatawag na “calendar climate change.”

Kung titignan naman ang kasaysayan, nagsimula ang pagtatalaga ng Leap Year noon pang kapanahunan ni Julius Ceasar, sa Solar calendar.

Habang nilikha naman ang Gregorian calendar noong 1582 na hinango din sa Solar calendar.

Simula dito, naging tradisyon na sa mundo ang paglalagay ng Leap year sa mga kalendaryo kada apat na taon.