-- Advertisements --
CONTROVERSIAL MODULE

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na walang lalabas sa mga pampublikong paaralan na mga learning modules na mayroong nakasulat na mga double meaning o malisyosong mga pangalan. 

Kasabay nito, dumipensa pa rin si DepEd Usec. Diosdado San Antonio, sa mga lumabas at naging viral sa social media na pahina ng learning module na may malisyosong mga nasulat. 

Aniya, hindi galing sa DepEd ang naturang printed material dahil ginamit ito sa private school. Paliwanag niya, hindi nila sakop ang quality assurance ng mga iiimprentang materials para sa mga estudyante. 

Pero tiniyak naman nitong sa panig ng DepEd, mayroong assurance team nag magche-check sa mga libro at mayroon pang third assurance team na muling bubusisi sa iiimprentang learning module para tiyaking hindi magkakaroon ng kontrobersiya sa mga learning modules ng mga estudyante.