-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Education (DepEd) na itutuloy nito ang learning recovery program sa gitna ng kakulangan ng mga in-person classes dahil sa pandemya ng COVID-19.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na kailangan ang learning recovery program upang mabawi ang “learning loss” mula sa mapanghamong sitwasyon na dulot ng krisis sa kalusugan.

Gayunpaman, sinabi ni Malaluan na bagama’t may mga learning losses, may mga pakinabang na dulot ang krisis, kabilang na ang pagkaunawa na ang mga magulang at tagapag-alaga ay may mahahalagang tungkulin sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sinabi rin ng opisyal ng edukasyon na learning recovery ay bahagi ng mga programa ng DepEd sa post-pandemic period.

Dagdag pa nito, ang learning recovery ay hindi dapat maging “one size fits all” program dahil ang bawat paaralan ay may kanya-kanyang natatanging hamon.

Gagamit ang kagawaran ng assessment tools upang matukoy ang mga learning backlogs na kailangang i-recover tulad ng pagsasagawa ng written at verbal tests sa mga estudyante ng mga paaralan.