-- Advertisements --

Extended ang leave of absence ni Interior Secretary Eduardo Ano, ito ang kinumpirma ni DILG Spokesperson USec. Jonathan Malaya.


Mananatili bilang Officer in Charge ng DILG si USec. Bernardo Florece.

Ayon kay Malaya, pinalawig pa ang Leave ni Año hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan o February 28,2021 batay na rin sa payo ng kaniyang mga Doktor.

Layon nito, ayon kay Malaya na mabigyan ng sapat na panahon ang kalihim na makapagpahinga ng mas matagal para makabawi ng lakas at matiyak na malusog ito.


Magugunitang 2 beses nagposoitibo sa COVID 19 ang kalihim bagama’t siya’y asymptomatic subalit wala pa ring tigil ito sa trabaho mula nang pumutok ang pandemya sa bansa.


” SILG extended his leave until the end of the month. The extension was upon doctors advice to fully recuperate and prioritized his health,” wika ni DILG Spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.