Dinakip ng mga miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 86-year-old Lebanese national at isang tourist driver dahil sa umano’y pang-aabusong sekswal na ginagawa nito sa mga menor de edad sa lungsod ng Tagbilaran, Bohol.
Tinukoy ni NBI-Bohol Director Rennan Augustus Oliva ang mga suspek na sina Guiragos Tarakjian at Handel Sarabosing.
Nag-ugat ang isinagawang operasyon sa mga reklamo ng mga magulang ng tatlong batang may edad 13 at 12 ukol sa ginagawa ng mga suspek.
Nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking In Persons Act of 2012, at sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang dalawa.
Itinanggi naman ni Tarakjian at Sarabosing ang mga alegasyon.