-- Advertisements --

Kinondina ng Lebanon ang panawagan ng Israel na umalis na ang mga United Nations peacekeepers na nasa border.

Sinabi ni Lebanese Prime Minister Najib Mikati , na pahayag na ito ni Netanyahu ay isang malinaw na paglabag sa international law.

Una ng binalaan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga UN peace keepers na umalis na para hindi na sila madamay.

Magugunitang ilang mga UN peacekepers ang nasugatan sa ilang mga serye ng atake ng Israel sa Lebanon na ang target ay mga Hezbollah.