Mayroon ng bagong gobyerno ang Lebanon isang taon matapos ang pagbaba sa puwesto ng mga namuno noong nakaraang administrasyon dahil sa nangyaring pagsabog sa Beirut port.
Itinalagang bilang bagong prime minister ang pinakamayan na tao sa Lebanon na si Najib Mikati.
Ang kaniyang pagkakatalaga at mga bagong gabinete ay simbolo ng pagtatapos na ng ilang buwang political paralysis.
Nauna ng nagkaroon ng krisis sa Lebaon kung saan bumaba ang halaga ng currency ng bansa, tumaas ang bilang ng mga walang trabaho at nagkaroon ng kakulangan ng suplay ng kuryente at gasolina.
Magugunitang noong Agosto 4, 2020 ng bumaba sa puwesto si PM Hassan Diab ilang araw matapos ang naganap na pagsabog sa pantalan ng Beirut.
Nagmula ang pagsabog sa nakaimbak na mga ammonium nitrate sa port na ikinsawi noon ng 203 katao at ikinasugat ng 6,000 iba pa.
Inaasahan na kakausapin ng bagong gabinete ang International Monetary Fund para magkaroon sila ng rescue package.