Nagpatupad ang Lebanon ng travel ban sa puganteng si Carlos Ghosn.
Sinabi mismo ni Lebanese prosecutor Ghassan Oueidat na ang travel ban ay para hindi na makalabas pa ng kanilang bansa ang dating Nissan CEO.
Ipinatupad ang nasabing travel ban matapos ang paglabas sa media ni Ghosn at idinetalye kung bakit ito tumakas sa pagkaka-house arrest sa Japan.
Mula sa pagkakatakas sa Japan ay nagtungo si Ghosn sa Lebanon bilang isang citizen doon.
Inamin din ng Lebanon na nakatanggap sila ng red notice mula sa international police tungkol sa pagkakatakas ni Ghosn.
Nahaharap sa kasong financial misconduct si Ghosn at ito ay naaresto noong 2018.
Nitong Miyerkules ng ibunyag ni Ghosn ang criminal justice system ng Japan na lumalabag sa karapatang pantao.