-- Advertisements --

Niyanig ng malakas na pagsabog ang Beirut, Lebanon dahil sa pinaigting ng air strike ng Israel.

Kinumpirma ni Israeli military spokesperson Daniel Hagari na ang target ng kanilang strike ay ang “central commad center” ng Hezbollah .

Hind bababa sa 15 mga missiles ang pinakawalan ng Israel sa nasabing lugar.

Maraming gusali rin ang nasira kung saan hindi pa malaman kung ilan ang nasawi.

Magugunitang iginiit ng Israel na hindi sila titigil sa pag-atake hanggang hindi nauubos ang mga Hezbollah militants.