Nagbubunyi ngayon ang mga Lebanese matapos ianunsyo ni Lebanon Prime Minister Saad Hariri na magbibitiw sa pwesto bilang pagsunod sa nais ng mga raliyista.
Halos dalawang linggo ring nakaranas ng lockdown ang buong lebanon dahil sa malawakang kilos protesta na naganap sa bansa.
Pinamunuan ng three-time prime minister ang national unity government at sa mga nagdaang buwan, naranasan ng bansa ang mabilis na pagbulusok pababa ng kanilang ekonomiya.
Noong October 17, inilatag ng Lebanon government ang paglalagay ng tax sa bawat tawag na gagawin gamit ang social media application na Whatsapp.
Nagbunsod ng galit mula sa mamamayan ang desisyong ito ng gobyerno kung kaya’t nagsagawa sila ng nationwide protest.
Naantala rin ang operasyon sa mga bangko at pasok sa eskwelahan sa loob ng 12 araw habang ang mga raliyista naman ay hinarangan ang ilang major routes sa lungsod.
“I can’t hide this from you. I have reached a dead-end,” saad ni Hariri sa kaniyang resignation speech.
“To all my political peers, our responsibility today is how to protect Lebanon and to uplift the economy,” dagdag pa ng prime minister. “Today, there is a serious opportunity and we should not waste it.”