-- Advertisements --
download

Inihayag ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA), na ang lebel ng dagat sa paligid ng Metro Manila ay tumaas ng 8.40 millimeters kada taon mula 1901 hanggang 2022 – humigit-kumulang tatlong beses sa global average nito.

Pinresenta ni NAMRIA Division Chief Dennis Bringas ang datos sa isang coastal engineering summit sa Mariano Marcos State University sa Ilocos Norte noong Agosto 15.

Ang datos ng NAMRIA ay nagpahayag na mula 1947 hanggang 2022, ang antas ng dagat ay tumaas ng average na 13.20 milimetro taun-taon.

Nang magsimula ang urbanization noong 1965 hanggang 2022, tumaas ito ng 14.40 milimetro bawat taon.

Sinabi ni Bringas na ang pagkakaibang ito ay bahagi ng “coupling effect” o ang pagtaas ng lebel ng dagat at paghupa ng lupa.